Concept of Physical fitness : Konsepto ng Physical Fitness

1. Cardio Vascular Endurance ( Tatag ng puso at baga)
Ito ay ang kakayahang makagawa ng pangmatagalang gawain na gumagamit ng malakihang mga galaw sa katamtaman hanggang mataas na antas ng kahirapan.

Halimbawa:
Pagsuswimming
Pagbabike
Pagtakbo

2. Muscular Endurance ( Tatag ng kalamnan )
Ito ay ang kakayahan ng mga kalamnan (muscles) na matagalan ang paulit ulit at mahabang paggawa,

Halimbawa:
Pagbubuhat
Pagtakbo
Pag eehersisyo

3. Muscular Strength ( Lakas ng kalamnan )
Ito ay kakayahan ng mga kalamnan (muscles) na makapagpalabas ng puwersa sa isang beses na buhos ng lakas.

Halimbawa:
Pagpalo ng malakas
Pagpupush up
Paghila ng malakas

4. Flexibilty ( Kahutukan )
Ito ay kakayahang makaabot ng isang bagay nang Malaya sa pamamagitan ng pag-unat ng kalamnan at kasukasuan

Halimbawa:
Pagbaluktot
Pag abot ng paa
Pag stretch

No comments:

Post a Comment